Nakatalikod na siya kaito (su babayi). Nakahiling na sa dalan pasiring sa siya
/
Su saiyang kahampang (su lalaki) nakahiling
/
Sa likod
/
"Kun pwede niya
/
Pero nagtalikod naman su nabayaan. Inda ngani kun su ngimot niya an nagtaram ta ini pirit niyang pigtatahuban, sa pagpuon
//
Salin:
/
Nakatalikod na siya nuon (ang babae). Nakatingin na sa landas patungo sa siya lang ang nakakaalam. At duon sa kanyang patutunguhan, marahil ay may naghihintay, dahil naunahan na siya ng kanyang galak na makarating duon.
/
Ang kanyang kaharap (ang lalake) nakatingin sa talikod niya. Ang kawalan ng paki-alam pinaranas sa kanya ng mundo. Humahagilap
/
Sa likod ng kampanaryo, kinukumot ng mabagal na araw ang itim ng mga kahoy. Ang mga padyak, sa bigat, sumasadsad ang puwitan sa lupa, gumagapang pauwi. Lahat lumilisan, hanggang ang matira lang sa kanya, siya.
/
"Kung maaari niya lang sanang isuot ang kagandahan ng kanyang kaluluwa--sa halip itong katawan na kinadidirian mo--marahil mamahalin mo rin siya."
/
Ngunit tumalikod na rin yung naiwan. Hindi ko alam kung yung bibig niya ang nag-usal, dahil pilit niya itong binubusalan, sa pagsimula ng nginig na yumuyugyog sa kanyang dibdib. Sa totoo, hindi ako magtataka na ang mga salitang ito'y binigkas mismo ng kalungkutan na siya ring nag-utos sa mga tuyong dahon na ibaon ang mga daan ng di nahabag.
//
No comments:
Post a Comment